Home » Post Item » ISTORYANG PUTA

ISTORYANG PUTA

November 22, 2005

Don’t know who wrote this but… ang galing at tumatalab talaga, lalo
na
sa isang kagaya kong Contract Worker. I hope you will forward this
short
story…

Thanks,

Roi Ontiveros

Riyadh, Saudi Arabia

ISTORYANG PUTA…

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako .

Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang

pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon .

Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko

nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang

kinabukasan ko .

Halika at makinig ka muna sa kwento ko .

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto ,

naakit. Sikat ka sa lahat, virgin eh! Tinanggap ko

naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago ?

Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di

sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong

malilibog na foreigners ang namyesta sa katawan ko ,

na-rape daw ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli

ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto

ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya .

Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga

sadistang Hapon at Kastilaloy. Kase, ibang-iba ang

hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing

ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry ,

lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko .

Parating ang dami naming regalo - may chocolates ,

yosi, at ano ka. may datung pa. Nakakabaliw siya ,

alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman

ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan

mag-Ingles, di lang magsulat ha! Magbasa pa !

Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko ,

siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, lahat ng

bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa

buhay naming. Sosyal na sosyal kami .

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa

yakanAkala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin ,

yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng

I**! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan

ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na

ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa

tulong ng mga anak ko, napalayas ko nga ang animal pero

ang hirap magsimula .

Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na

naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa

utang, kulang ata pati kaluluwa namin para ibayad sa

mga inutang namin .

Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay

namin. Ayun, nagsipagpuntahan sa Japan, Hong Kong,

Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US o Europe. Yung

iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala namang silbi ,

masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako .

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan

ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak

ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman na

itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming

lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos

makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil

nasanay na kami sa ginhawa at sarap .

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang

tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na

malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging

kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga

anak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako

ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang

ginhawa na nais nilang matamasa .

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal

Posted by adrian at 3:59 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment