OBJECTIVES:
1. To raise funds for local and National candidates
2. To increase public awareness about Ang Kapatiran political evangelization activities
3. To generate members and supporters for Ang Kapatiran
4. To generate media publicity and awareness of AKP Candidates
5. Public introduction of AKP National and Local aspirants.
ABOUT ANG KAPATIRAN PARTY (AKP)
The Ang Kapatiran Party is a
DINE FOR PSALM 20:10
ANG KAPATIRAN FUND RAISING FOR POLITICAL EVANGELIZATION
Comelec-registered National political party that aims to instill a sense of morality in Philippine politics by advocating the common good. AKP acknowledges that the root cause of the nation’s crisis is moral. Politics, as a human activity, has not only economic, social and political dimension, but also and more importantly, a moral dimension. As citizens, we have to admit humbly our share of culpability for the sad state of affairs of our country either by commission or by omission. As a party of the future, Ang Kapatiran, is an alternative to unprincipled politics as it is 180 degrees from what way and means of patronage and personality politics.
Ang Kapatiran launched its initiative, Project MMX (2010), as a response to the escalating state of corruption in our country, to start the change that we need in our own towns and cities, and move further up to the central government. Aside from Project MMX, AKP will have a complete national slate for the upcoming May 2010 elections. Many towns, cities, and provinces will also have complete slates fielded by AKP.
ABOUT PROJECT MMX
Project MMX aims to put an end to traditional politics by seeding new and young principled men and women into political office in 2010. All of these candidates, who will run mostly for local councilor positions, the entry point, will be given training by supporter institutions like the
As corruption begins with favors owed during election campaigns, Ang Kapatiran will introduce a campaigning system for its candidates that will depend on the active support of each candidate’s network of friends and supporters, and provide creative awareness and word of mouth influencing. This way, money becomes less of a factor in candidates’ chances of winning. The AKP constituency is the poor but young citizens who constitute 46 % of all voters.
Project MMX has already garnered support from several institutions including Bishops and lay leaders all over the country, Muslim political leaders, Evangelical churches and NGO’s advocating principled politics.
Many individuals all over the country and abroad have also given their support to the project. Its goal to seed, train, and support more than 2,010 candidates all over the country will require a significant (from AKP’s perspective) amount of funding. Activities such as Dine for Psalm 2010 will help raise funds for all AKP candidates and make alive the principle of “sharing the burden. “
DINE FOR PSALM 20:10
DINE FOR PSLAM 20:10 is a sit-down dinner to be held at Christ the King, Social-Hall, Greenmeadows on August 19, 2009 at 6:00-9:30 PM.
Ticket price is Php 2,010.00 and target number of audience is 400 pax. Also, we highly encourage friends to bring 10 additional friends during the said event.
INSPIRED BIBLE
BIBLIA NG SAMBAYANANG PILIPINO – KATOLIKONG EDISYONG PASTORAL
Salmo 20 (10)
Panalangin ng mga Judio para sa kanilang hari.
Sagutin ka nawa ng Panginoon sa panahon ng kagipitan, ipagtanggol ng Ngalan ng Diyos ni Jacob!
Saklolohan ka nawa niya mula sa kanyang dambana, alalayan mula sa Sion.
Alahahanin nawa niya lahat mong pag-aalay at kalugdan mga sinunog mong handog. Ipagkaloob n’ya nawa ang ninanais ng ‘yong puso at pagtagumpayin lahat mong balak.
Sisigaw kami sa galak ng ‘yong tagumpay at itataas ang bandila sa ngalan ng ating Diyos.
Ipagkaloob nawa ng Panginoon ang lahat mong kahilingan.
Alam ko na ngayong papagtatagumpayin ng Panginoon ang kanyang pinahiran, sasagutin siya mula sa kanyang banal na langit ng mapanligtas na lakas ng kanan niyang kamay.
May mga umaasa sa karwahe, ang ilan nama’y sa kabayo, ngunit sa ngalan ng Panginoong Diyos namin kami umaasa.
Malulugmok sila’t mabubuwal ngunit titindig pa rin kami at magiging matatag.
Papagtagumpayin mo, Panginoon, ang hari! Dinggin kami sa araw ng aming pagtawag.
English Version
20:10 “Give victory to the king, O Lord; answer us when we call.”
For the leader. A psalm of David. The LORD answer you in time of distress; the name of the God of Jacob defend you! May God send you help from the temple, from
Grant what is in your heart, fulfill your every plan. May we shout for joy at your victory, raise the banners in the name of our God. The LORD grant your every prayer!
Now I know victory is given to the anointed of the LORD. God will answer him from the holy heavens with a strong arm that brings victory. Some rely on chariots, others on horses, but we on the name of the LORD our God. They collapse and fall, but we stand strong and firm.
JULY 22
KAILANGAN BA?
Kahit
***
Noong una akong kumandidato sa pagka-Gobernador ng Isabela, umuwi pa ako noon mula sa aking magandang trabaho bilang isang accountant sa Hacienda Bigaa sa Calatagan, Batangas para mag-file ng aking certificate of candidacy. Disyembre noon at pagkatapos ay bumalik pa rin ako sa aking tahimik na buhay kasi Abril pa naman noon ang kampanya.
***
Sabi ko, ano ba naman ang 45 araw lang na ibibigay ko sa aming lalawigan para lang may patuloy na lumaban sa mga maling nangyayari. Kahit matalo, ang mahalaga hindi kami sumusuko. Tanggap ko na baka kailangan pa naming dumaan sa tatlo hanggang apat na eleksyon bago kami manalo, pero sa gulat naming lahat, tinalo ko ang mga higante sa aming lalawigan, at nagkaroon ng kauna-unahang babaeng Gobernador ang Isabela. Nagkaroon ng bagong pangalan sa kapitolyo na hindi na Dy kung hindi Padaca, pagkaraan ng mahigit 30 taon.
***
Taong 2007, eleksyon uli. Ilang araw na lang deadline na ng pag-file ng certificate of candidacy. Muli, kahit umiiyak ako, pinirmahan ko muli ang isa na namang certificate of candidacy para tumakbo bilang Gobernador. Hindi puedeng parang patalastas lang o intermission ang tatlong taon na lumaya kami sa dinastiya at pagkatapos ay babawiin na naman nila ito kung hindi ako kakandidato, lalo na’t naranasan na namin kung paanong ang kapangyarihan pala sa pamahalaan ay napakaraming magagawa kung ito ay gagamiting tunay para sa mga tao at hindi sasarilinin lamang ng mga politiko at ng kanilang iba’t ibang pamilya.
***
Umiiyak ako noon dahil alam ko na kung gaano kahirap ang buhay ng mga gustong tapat na maglingkod. Iyong magtrabaho ng hanggang hatinggabi dahil kung hindi mo ito gagawin ay matatambakan ka ng mga gagawin. Ang dami kasing gustong pumunta sa iyo, samantalahin ang pagkakataon na sa wakas ay mayroon nang Gobernador na diretsang nakakausap ng mga taga-barangay. Sa kaso ko, kinailangan ko ring asikasushin pati na ang mga taga-ibang lalawigan na nakiusap na ikwento ko sa kanila, ituro kung paanong ang pilay na katulad ko ay nakasipa sa mga makapangyarihang trapo. Sa panig naman ng mga tinalo ko, hindi na nila ako tinantanan ng lahat ng uri ng pang-iinsulto, paninira at pang-aalipusta damay pati nanay ko at pamilya.
***
Wala na ang tahimik kong buhay. “Bakit ko gagawin na naman ito, alam ko na kung gaano kahirap?” Pero alam ko rin naman ang sagot – dahil kailangan pa. Dahil hindi ko puedeng talikuran ang aking mga kababayan pagkatapos na iangat ko ang kanilang pag-asa at ang antas ng pamamahala sa ating lalawigan.
***
Malapit na muli ang halalan. Sa lalawigan namin sa Isabela, mayroon naman nang puedeng pagpilian bukod sa akin na lalaban sa mga dinastiyang sabik at desperado nang makabalik. Dati kasi, wala kahit na isa, kaya ako ang kinailangang bumangga. Ngayon ay mayroong isa sa kanila na puede kong asahan at pagkatiwalaan. Puede na kaya akong umalis?
***
Kung iiwan ko man ang Isabela, mayroong mga tumatawag sa akin sa posisyong nasyonal. Hindi lang sa Senado, hindi lang sa pagka- Pangalawang Pangulo. Ang tanong ko ay kailangan ba? Ang dami namang ibang pagpipilian. Sa amin sa Isabela noon ay wala kasing iba. Pero ngayon, sa pambansa, ay marami namang iba. Kailangan pa ba?
***
Puede po bang tulungan niyo akong pag-aralan ang bagay na ito? Sana ay malaman ko ang sagot niyo, sa pamamagitan ng text 0919-3533-222 o sa gracempadaca@yahoo.com. Salamat po. hilman1108@yahoo.com