Home » Post Item » GRACE PADACA- COLUMN KAILANGAN BA

GRACE PADACA- COLUMN KAILANGAN BA

July 27, 2009

JULY 22

KAILANGAN BA?

 

Kahit sana mas masaya ako sa aking nakasanayang simpleng buhay,  iniwan ko pa rin ito, mahigit limang taon na ang nakakaraan,  para pumasok sa masalimuot, mahirap at matrabahong mundo ng pamamahala.

***

Noong una akong kumandidato sa pagka-Gobernador ng Isabela, umuwi pa ako noon mula sa aking magandang trabaho bilang isang accountant sa Hacienda Bigaa sa Calatagan, Batangas para mag-file ng aking certificate of candidacy.  Disyembre noon at pagkatapos ay bumalik pa  rin ako sa aking tahimik na buhay kasi Abril pa naman noon ang kampanya. 

***

Sabi ko, ano ba naman ang 45 araw lang na ibibigay ko sa aming lalawigan para lang may patuloy na lumaban sa mga maling nangyayari.  Kahit matalo, ang mahalaga hindi kami sumusuko.  Tanggap ko na baka kailangan pa naming dumaan sa tatlo hanggang apat na eleksyon bago kami manalo, pero sa gulat naming lahat, tinalo ko ang mga higante sa aming lalawigan, at nagkaroon ng kauna-unahang babaeng Gobernador ang Isabela.  Nagkaroon ng bagong pangalan  sa kapitolyo na hindi na Dy kung hindi Padaca, pagkaraan ng mahigit 30 taon.

***

Taong 2007, eleksyon uli.  Ilang araw na lang deadline na ng pag-file ng certificate of candidacy. Muli, kahit umiiyak ako, pinirmahan ko muli ang isa na namang certificate of candidacy para  tumakbo bilang Gobernador.  Hindi puedeng parang  patalastas lang o  intermission ang tatlong taon na lumaya kami sa dinastiya at pagkatapos ay babawiin na naman nila ito kung hindi ako kakandidato, lalo na’t naranasan na namin kung paanong ang kapangyarihan pala sa pamahalaan ay napakaraming magagawa kung ito ay gagamiting tunay para sa mga tao at hindi sasarilinin lamang ng mga politiko at ng kanilang iba’t  ibang  pamilya.

***

Umiiyak ako noon dahil alam ko na kung gaano kahirap ang buhay ng  mga gustong  tapat na maglingkod.  Iyong magtrabaho ng hanggang hatinggabi dahil kung hindi mo ito gagawin ay matatambakan ka ng mga gagawin.  Ang dami kasing gustong  pumunta sa iyo,  samantalahin ang pagkakataon na sa wakas ay mayroon nang Gobernador na diretsang nakakausap ng mga taga-barangay.   Sa kaso ko, kinailangan ko ring asikasushin pati na ang mga taga-ibang lalawigan na nakiusap na ikwento ko sa kanila, ituro kung paanong ang pilay na katulad ko ay nakasipa sa mga makapangyarihang trapo. Sa panig naman ng mga tinalo ko, hindi na nila ako tinantanan ng lahat ng uri ng pang-iinsulto, paninira at pang-aalipusta  damay pati  nanay ko at pamilya.

***

Wala na ang tahimik kong buhay.  “Bakit ko gagawin na naman ito, alam ko na kung gaano kahirap?” Pero alam ko rin naman ang sagot – dahil kailangan pa.  Dahil hindi ko puedeng talikuran ang aking mga kababayan pagkatapos na iangat ko  ang kanilang pag-asa at ang antas ng pamamahala sa ating lalawigan.

***

Malapit na muli ang halalan.   Sa lalawigan namin sa Isabela,  mayroon  naman nang puedeng pagpilian bukod sa akin na lalaban sa mga dinastiyang  sabik at desperado  nang makabalik. Dati kasi, wala kahit na isa,  kaya ako ang kinailangang bumangga.  Ngayon ay mayroong isa sa kanila na puede kong asahan at pagkatiwalaan. Puede na kaya akong umalis?

***

Kung iiwan ko man ang Isabela,  mayroong mga tumatawag sa akin sa posisyong nasyonal. Hindi lang sa Senado, hindi lang sa pagka- Pangalawang Pangulo. Ang tanong ko ay kailangan ba?  Ang dami namang ibang pagpipilian.  Sa amin sa Isabela noon ay wala kasing iba.  Pero ngayon, sa pambansa, ay marami namang iba.  Kailangan pa ba?

***

Puede po bang tulungan niyo akong pag-aralan ang bagay na ito?  Sana ay malaman ko ang sagot niyo,  sa pamamagitan ng text  0919-3533-222 o sa gracempadaca@yahoo.com.  Salamat po. hilman1108@yahoo.com

 

Posted by adrian at 7:26 am | permalink

Previous Comments

Mga kasama,

Idagdag natin ito sa “public clamour” na hinihintay natin, sa “signs of the times” na binabasa natin, sa “divine intervention” na inaasahan natin, sa “idea whose time has come” na pinaniniwalaan natin, sa “force of good” na alam nating hind nagpapatalo, sa “eternal hope” na hind natin hahayaang mamatay, sa “Kayang Kaya Movement” na magtatagumpay anuman ang mangyari, at sa marami pang iba na puwede ningyong idagdag…

Congrats to Kiko! Congrats Grace!

Please pass this on to all your contacts!

Jun Virola

P.S. Kung hindi nyo pa alam, inilunsad ang “Purple Army” last Sunday evening. You can check out the profiles of Marj, Yanee, and I sa facebook to see what we are talking about. I hope you can all join us in the Creatives Group in our weekly online campaigns!

‘Kiko’ airs view on LP bets
By MARIO B. CASAYURAN
August 27, 2009, 6:43pm

Senator Benigno Simeon Aquino III and the supporters of Isabela Gov. Grace Padaca should be allowed to push for their candidacies under the Liberal Party (LP), even for the presidential race.

Senator Francis ‘’Kiko’’ Pangilinan, an LP official on leave, made the suggestion as Sen. Manuel ‘’Mar’’ Roxas II, LP president, appeared dead set to run for the presidency as the LP standard bearer.

Former Senate President Franklin M. Drilon, LP chairman, had favored a Roxas-Aquino tandem.

Pangilinan earlier announced his intention to run as an independent for the vice presidency while Aquino has yet to decide whether to seek a higher elective post or continue to serve out his six-year term that ends in 2013.

The fight for the right to be chosen as the official LP presidential candidate is heating up as the Nov. 30 deadline for the filing of candidates for the 2010 presidential election approaches.

‘’Democratic processes should be upheld, and the widest participation of all party members should be observed in the nomination of the party’s standard bearers,’’ Pangilinan said.

‘’The party processes involving the membership, and not a few personalities, should decide on major issues such as the party’s standard bearers,’’ he added.

Pangilinan expressed his willingness to support either Padaca or Aquino if it would unite a true reformist agenda.

‘’What’s important is that a true reform agenda emerges. If it takes the candidacy of either Padaca or Aquino to achieve this, then I’m willing to support that,’’ he said.

Posted by Jun Virola at August 27, 2009, 10:52 pm

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment