Ang Reproductive Health Bill ay nagmimistulang isang halimaw na may isang malaking ulo at maraming mababagsik na buntot. Sa siyudad ng Quezon City, ipinasok ang ordinansya ng Reproductive Health sa ilalim ng Poverty Alleviation, o pagbawas sa kadukhaan ng taong-bayan. Ang tema ng mga tumulak sa pagpapasa nitong ordinansya ay: Ang malaking populasyon ay sagabal sa pag-unlad ng bansa dahil namumunga ito ng kahirapan. Ang lunas sa problemang ito, sa kanilang pananaw, ay population control, planned parenthood, sex education sa murang edad ng kabataan, artificial contraception at abortion. Ang artificial contraception at abortion ay ipinalalabas na mahalagang elemento ng kalusugan ng panganganak (reproductive health).
Ang tanong: Sino talaga ang makikinabang sa pagbawas ng mga tao sa Pilipinas? Ang mga Pilipino ba, o ang isang dayuhang gobyerno?
Noong 2004, ika-30 anibersaryo ng NSSM200, nanawagan ang Human Life International kay Presidente George Bush na itigil ang pamamalakad ng USA tungkol sa population control sa iba’t ibang bansa.
Ano ang NSSM200? Ito ay isang documento na iniulat noong Disyembre 10, 1974 ng United States National Security Council at pinamagatang National Security Study Memorandum 200 . Kamakailan lang na-declassify itong documento. Si Henry Kissinger ay ang Secretary of State at National Security Adviser ni Presidente Richard Nixon noon.
Ayon sa Human Life International, ito ang ilan sa kapansin-pansin na layunin at aksyon ng Estados Unidos sa ilalim ng NSSM200.
a) Kailangan ng USA ang malawak na access sa mahalagang likas na kayamanan ng mga bansang di pa nakaka-angat (less developed countries – LDC’s) .
b) Ang daloy ng mga kayamanang ito na papasok sa USA ay maaaring mahadlang ng mga gobyerno ng LDC, paghimagsik ng manggagawa, sabotahe, at gulo na sanhi ng masikip na populasyon.
c) Ang kabataan mas marahil ay hahamon sa imperialismo at mga istraktura ng kapangyarihan, kaya dapat pigilin ang pagdami nila.
d) Ang gobyernong USA ay dapat hikayatin ang mga lider ng mga LDC na ipairal ang population control, kahit na labag sa kagustuhan ng taong-bayan.
Ayon sa NSSM200, ito ang mga dapat gawin para maipatupad ang layuning ito:
1) Kilalanin ang 13 bansang mabilis ang paglaki ng populasyon – India, Bangladesh, Pakistan, Nigeria, Mexico, Indonesia, Brazil, Philippines, Thailand, Egypt, Turkey, Ethiopia, Colombia – kung saan may interes ang USA na pulitikal at strategic.
2) Magpatulong sa lalong maraming population-control organizations para sa pandaigdigang proyektong ito.
3) Akuin na wala pang bansang nagtagumpay sa pagpigil sa pagdami ng populasyon kung hindi ginagamit ang abortion (paglalaglag).
4) Magbigay ng salapi bilang gantimpala sa mga bansang nagpro-promote ng abortion, ligation, vasectomy, hysterectomy, at artificial contraception sa pamamagitan ng mga programa ng UN, USAID, UNFPA.
5) Turuan ang mga bata sa mga bansang ito tungkol sa di kanais-nais na panganganak.
6) Magtatag ng mga sex-education curriculum at propaganda ukol sa lalong mainam na maliit na pamilya, kahit na pwede pang suportahan ang mas maraming anak, lalo na sa mga bansa na makikinabang sa mas malaking populasyon tulad ng Nigeria at Brazil.
7) Pag-aralan kung paano mapipilitan ang mga LDC na magtatag ng population control program.
8) Pag-aralan ang iba’t ibang paraan sa pagpilit sa LDC, tulad ng di-pagbigay ng tulong pag may disaster o kakulangan ng pagkain.
Habang isinasagawa ito, ayon sa NSSM200, ang USA ay dapat itago ang kanyang tunay na layunin at ipalabas na ang kanyang ginagawa ay para sa kabutihan ng mga LDC. Kung hindi, mapapahamak siya sa mga bansang ito. May isa pang katotohanan na dapat itago: Ang suporta para sa mga programang pangkalusugan at development ay lumiliit habang ang suporta para sa population control ay lumalaki.
Noong 1984, si Presidente Reagan ay pumirma ng isang kasulatan na tinawag